skip to content

Color has been recognized by Fast Company as a 2024 Next Big Things in Tech Award winner in the Health category. Learn more.

Paunawa Tungkol sa Mga Kasanayan sa Privacy sa HIPAA ng Color Health

Huling Na-update:Oktubre 1, 2023

 

This content is also available in: العربية English Русский Español 简体中文

  1. SAKLAW AT MGA UPDATE SA PAUNAWANG ITO
  2. PAGGAMIT AT PAGHAHAYAG SA PHI MO NA HINDI KAILANGAN NG IYONG AWTORISASYON
  3. PAGGAMIT AT PAGHAHAYAG SA PHI MO NA KAILANGAN NG IYONG AWTORISASYON
  4. ANG IYONG MGA KARAPATAN
  5. ANG IYONG MGA DESISYON
  6. ANG AMING MGA RESPONSIBILIDAD
  7. MAKIPAG-UGNAYAN SA AMIN

1. SAKLAW AT MGA UPDATE SA PAUNAWANG ITO

Ang Paunawa Tungkol sa Mga Kasanayan sa Privacy sa HIPAA (“Paunawa”) na ito ay naglalarawan kung paano maaaring gamitin at ihayag ng Color Health, Inc. at ng mga kaakibat nito (na sama-samang tinutukoy bilang, “Color,” “kami,” “amin,” o “namin”) ang iyong protektadong impormasyong pangkalusugan (“PHI”) kapag kumikilos ito bilang saklaw na entity o katuwang sa negosyo sa ilalim ng Health Insurance Portability and Accountability Act of 1996 (“HIPAA”) at kung paano ka magkakaroon ng access sa PHI na ito. Pakibasa nang mabuti ang Paunawang ito.

Mga Karagdagang Paunawa. Maaaring magbigay ang Color ng mga karagdagang paunawa sa privacy para sa mga indibidwal kapag kinolekta namin ang kanilang PHI. Ang mga karagdagang paunawang ito ay maaaring dagdag pa sa Paunawang ito o maaaring ipatupad kapalit ng Paunawang ito.

Paunawa Hinggil sa PHI ng Customer na Organisasyon. Sa ilang sitwasyon, ang aming Customer na Organisasyon o kasosyo (hal., isang enterprise, unyon, trust, employer, organisasyon sa pampublikong sektor, institusyong pang-edukasyon, laboratoryo, o iba pa) ay maaaring makipagkasundo sa amin sa isang sulat, kung saan kikilos kami bilang katuwang sa negosyo at magpoproseso ng protektadong impormasyong pangkalusugan para sa kanila kapag ginamit nila ang aming mga serbisyo (“PHI ng Customer na Organisasyon”). Sakaling magkaroon ng di-pagkakatugma o salungatan sa pagitan ng Paunawang ito at ng paunawa sa privacy ng isang Customer na Organisasyon, ang paunawa sa privacy ng Customer na Organisasyon ang siyang sasaklaw sa kanilang paggamit at paghahayag ng PHI ng Customer, at ang pagpoproseso namin ng PHI ng Customer ay sasaklawin naman ng mga kasunduan para sa katuwang sa negosyo na mayroon kami sa customer na iyon. Ang anumang tanong o hiling kaugnay ng PHI ng Customer ay dapat idirekta sa aming customer o kasosyo.

Mga Pagbabago sa aming Paunawa. Nakalaan sa amin ang karapatang baguhin ang mga tuntunin ng Paunawang ito, at ipapataw ang mga pagbabago sa lahat ng PHI na mayroon kami tungkol sa iyo. Makukuha ang bagong Paunawa kung hihilingin ito, sa aming tanggapan, at sa aming website.

Ang Paunawang ito ay dapat basahin kasabay ng aming Mga Tuntunin ng Serbisyo, Paunawa sa Privacy, at iba pang dokumento o kasunduan na sumasaklaw sa iyong ugnayan sa amin. Kapag ginamit mo ang Mga Serbisyo namin, ibig sabihin, sang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo at mga kasanayan sa privacy na inihahayag sa Paunawang ito. Huwag gamitin ang aming Mga Serbisyo kung hindi ka sang-ayon.

2. PAGGAMIT AT PAGHAHAYAG NG PHI

Ginagamit at inihahayag ng Color ang PHI sa maraming paraang may kinalaman sa iyong pagpapagamot, pagbabayad sa iyong pangangalaga, at sa aming mga operasyon sa healthcare. Nakalista sa ibaba ang ilang halimbawa kung paano namin maaaring gamitin o ihayag ang PHI mo na hindi nangangailangan ng iyong awtorisasyon.

A. Pagpapagamot

Puwede naming gamitin ang iyong PHI upang tasahin, i-screen, suriin, at gamutin ka o iugnay ka sa pagpapagamot, at ibahagi ito sa iba pang klinikal at di-klinikal na propesyonal na nakikibahagi sa mga pagsisikap para gamutin ka. Halimbawa, kapag ang isang doktor na gumagamot sa sakit mo ay nagtanong sa iba pang doktor tungkol sa kabuuang kalagayan ng iyong kalusugan o ang isang care advocate na nag-iiskedyul ng appointment para sa iyo ay nakipag-ugnayan sa tanggapan ng isang doktor upang itakda ang appointment para sa iyo.

B. Pagbabayad

Maaari naming gamitin at ibahagi ang iyong PHI para maningil at mangolekta ng bayad mula sa mga health plan, tagapagbayad, o iba pang entity. Halimbawa, kung sisingilin namin ang health insurance mo, magbibigay kami ng PHI tungkol sa iyo sa health insurance plan mo upang mabayaran nito ang iyong mga serbisyo.

C. Mga Operasyon sa Healthcare

Puwede naming gamitin at ibahagi ang iyong PHI upang magbigay at suportahan ang aming mga gawaing pangnegosyo o ng iba pang organisasyon sa healthcare (ayon sa pinapayagan ng batas), kasama na ang mga provider at plan. Halimbawa (at nang walang limitasyon), maaari naming gamitin ang iyong PHI upang magsagawa ng pagsusuri sa gastos at kalidad, pamamahala ng populasyon, paglikom ng datos, repasuhin at pagandahin ang aming mga serbisyo at ang pangangalagang natatanggap mo, at upang magbigay ng pagsasanay.

D. Iba Pang Paggamit at Paghahayag

Maaari din naming gamitin o ihayag ang iyong PHI para sa mga layuning legal at/o pampamahalaan sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • Ayon sa Iniaatas ng Batas: Magbabahagi kami ng impormasyon tungkol sa iyo kung iniaatas ito ng mga batas na pang-estado o pederal, kasama na ang para sa Department of Health and Human Services upang maipakita ang pagsunod sa pederal na batas sa privacy, at sa ilalim ng mga batas sa pagpapasuweldo sa mga manggagawa.
  • Kalusugan at Kaligtasan ng Publiko: Para sa isang pinahihintulutang awtoridad sa kalusugan ng publiko o indibidwal upang:
    • Protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.
    • Pigilan o kontrolin ang sakit, pinsala, o kapansanan.
    • Mag-ulat ng vital statistics gaya ng mga panganganak o pagkamatay.
    • Tumulong sa mga pagbawi ng produkto.
    • Magsiyasat o sumubaybay ng mga problema sa mga resetang gamot at medikal na device.
  • Pang-aabuso o Pagpapabaya: Para sa mga entity ng gobyerno na awtorisadong tumanggap ng mga ulat hinggil sa pang-aabuso, pagpapabaya, o karahasan sa tahanan.
  • Mga Menor de Edad: Sa pangkalahatan, mga legal na kinatawan ng mga pasyenteng menor de edad ang mga magulang at legal na tagapangalaga. Gayunman, sa ilang partikular na sitwasyon, ayon sa iniaatas ng batas ng estado, puwedeng kumilos ang mga menor de edad para sa kanilang sarili at pahintulutan ang sarili nilang pagpapagamot. Sa pangkalahatan, ibabahagi namin ang PHI ng pasyenteng menor de edad sa magulang o tagapangalaga ng menor de edad, maliban kung kayang pahintulutan mismo ng menor de edad ang pangangalaga (nang hindi kasali ang mga sitwasyon kung saan maaaring kailangang maghayag sa magulang alinsunod sa kinauukulang batas).
  • Mga Ahensiyang Tagapagbantay: Sa mga ahensiyang tagapagbantay ng kalusugan para sa ilang partikular na aktibidad gaya ng mga pag-audit, eksaminasyon, imbestigasyon, pagsisiyasat, at paglilisensiya.
  • Mga Legal na Paglilitis Sa pag-usad ng anumang legal na paglilitis o bilang tugon sa isang kautusan ng hukuman o administratibong ahensiya at bilang tugon sa isang subpoena, hiling sa pagtuklas, o iba pang legal na proseso.
  • Pagpagpatupad ng Batas: Sa mga opisyal na tagapagpatupad ng batas sa ilang partikular na sitwasyon para sa mga layunin ng pagpapatupad ng batas. Bilang halimbawa at nang walang limitasyon, maaaring magsagawa ng mga paghahayag upang kilalanin o hanapin ang isang suspek, saksi, o nawawalang tao; upang mag-ulat ng krimen; o upang magbigay ng impormasyon patungkol sa mga biktima ng mga krimen.
  • Mga Palitan ng Impormasyong Pangkalusugan: Maaari kaming lumahok sa mga palitan ng impormasyong pangkalusugan (“Mga HIE”) at maaari naming ibahagi, sa paraang electronic, ang iyong PHI para sa mga layunin ng pagpapagamot, pagbabayad, at mga operasyon sa healthcare kasama ng iba pang kalahok sa mga HIE. Ang mga HIE ay tumutulong sa amin, at sa iba mo pang provider at organisasyon sa healthcare, upang mabisang maibahagi at magamit nang mas mabuti ang impormasyong kailangan para sa iyong pagpapagamot at sa iba pang layuning naaayon sa batas. Sa ilang estado, kusang-loob na isinasama ang PHI mo sa isang HIE at nakapailalim ito sa iyong karapatang mag-opt-in o mag-opt-out; kung pipiliin mong mag-opt-in o hindi mag-opt-out, maaari naming ibigay ang iyong PHI alinsunod sa kinauukulang batas sa mga HIE kung saan kami kabilang.
  • Impormasyon sa Pananalapi: Maaari ka naming tanungin tungkol sa kita o iba pang impormasyon sa pananalapi upang malaman kung kwalipikado ka para sa pagtatatwa sa mababang kita para sa mga serbisyo kung saanman angkop. Maaari naming gamitin ang impormasyong ito para sa mga operasyon, marketing (kapag pinahihintulutan ng batas), layuning administratibo, at upang pagandahin ang iniaalok naming mga serbisyo.
  • Pananaliksik: Hindi namin gagamitin ang iyong PHI upang magsagawa ng pananaliksik nang walang pahintulot mo. Maaari naming gamitin ang iyong PHI upang malaman kung kwalipikado ka sa pananaliksik, kasama na ang pananaliksik na medikal, klinikal, at para sa kalusugan ng publiko, at/o upang makipag-ugnayan sa iyo para hingin ang pahintulot mo na gamitin o ibahagi ang iyong PHI para sa pananaliksik. Hindi ka babayaran para sa ganitong paggamit.
  • Mga Usaping Pambeterano at Pambansang Seguridad: Hangga’t iniaatas ng batas, sa Department of Veterans Affairs o may kinalaman sa pambansang seguridad.
  • Mga Institusyong Koreksiyonal: Kung ikaw ay o naging bilanggo sa isang institusyong koreksiyonal o nasa kustodiya ng isang opisyal na tagapagpatupad ng batas, maaari naming ihayag sa institusyon o opisyal na tagapagpatupad ng batas ang kailangang impormasyon para sa pagbibigay sa iyo ng mga serbisyong pangkalusugan, sa iyong kalusugan at kaligtasan, sa kalusugan at kaligtasan ng iba pang indibidwal at tagapagpatupad ng batas sa mga nasasakupan ng institusyon at sa pangangasiwa at pagpapanatili ng kaligtasan, seguridad, at mabuting kaayusan ng institusyon.

Maaari din naming gamitin o ihayag ang iyong PHI sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • Direktang Pakikipag-ugnayan sa Iyo: Maaari naming gamitin ang PHI mo, kasama na ang iyong email address o numero ng telepono, upang makipag-ugnayan sa iyo kaugnay ng Mga Serbisyo. Halimbawa, maaari din naming gamitin ang impormasyong ito upang padalhan ka ng mga paalala sa appointment at iba pang komunikasyon kaugnay ng iyong pagpapasuri at pagpapagamot, o upang ipaalam sa iyo ang mga alternatibong paggagamot, feedback ng kalahok, mga oportunidad sa pananaliksik, o iba pang serbisyo o benepisyong may kinalaman sa kalusugan kung saan ka maaaring interesado, sa email, tawag sa telepono, o text message.
  • Ang Iyong Color Account: Maaari naming gawing accessible sa iyo ang PHI, gaya ng impormasyon tungkol sa pagpapasuri o pagpapagamot, mga kasaysayan ng appointment at rekord ng gamot, sa pamamagitan ng mga digital tool, gaya ng email o Color online account mo, o mga vendor platform. Kapag nakikipag-ugnayan kami sa mga vendor para iproseso ang iyong PHI, sinusunod ng Color ang lahat ng angkop na regulasyon ng HIPAA.
  • Pamilya at mga Kaibigan: Para sa isang miyembro ng pamilya mo, kamag-anak, matalik na kaibigan—o sinupamang taong tutukuyin mo na direktang may kinalaman sa iyong healthcare—kapag wala ka o kaya ay hindi ka makakapagpasya kaugnay ng healthcare para sa sarili mo at kung sa palagay namin ay pinakamabuti para sa iyo kung ihahayag namin ito. Ipagpapalagay rin namin na maaari naming ihayag ang PHI sa sinumang taong pahihintulutan mong makasama nang pisikal habang tinatalakay namin sa iyo ang PHI mo sa panahon ng pagtalakay na iyon, maliban kung may iba kang babanggitin sa amin.
  • Mga Paglalarawan at Alternatibo sa Serbisyo: Upang makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa aming mga serbisyo, opsiyon, feature, materyales na pang-edukasyon, hiling para sa feedback, webinar, event o alternatibo, pati na rin sa mga benepisyo o serbisyo kaugnay ng kalusugan kung saan maaaring interesado ka, o upang ilarawan sa iyo ang aming mga serbisyo.
  • Impormasyong Inalisan ng Pagkakakilanlan at/o Pinagsama-sama: Maaari naming gamitin ang iyong PHI upang makagawa ng impormasyong inalisan ng pagkakakilanlan at/o pinagsama-sama, gaya ng demograpikong impormasyon, impormasyon tungkol sa kalusugan o wellness, o iba pang pagsusuring ginagawa namin. Hindi PHI ang impormasyong inalisan ng pagkakakilanlan at/o pinagsama-sama, at maaari naming gamitin at ihayag ang nasabing impormasyon sa maraming paraan, kasama na ang pananaliksik, panloob na pagsusuri, analytics, paglalathala, kapag ginawang available sa mga third party ang mga impormasyong inalisan ng pagkakakilanlan at/o pinagsama-sama, at anupamang layuning pinahihintulutan ng batas.
  • Mga Coroner, Direktor sa Punerarya, at Pag-donate ng Organ: Sa mga coroner, direktor sa punerarya, at organisasyon sa pag-donate ng organ ayon sa pinahihintulutan ng batas
  • Tulong sa Panahon ng Sakuna: Sa isang awtorisadong pampubliko o pribadong entity para sa pagbibigay ng tulong sa panahon ng sakuna. Halimbawa, maaari naming ihayag ang iyong PHI upang tumulong na maabisuhan ang mga miyembro ng pamilya tungkol sa iyong lokasyon o pangkalahatang kondisyon.
  • Banta sa Kalusugan o Kaligtasan Upang maiwasan ang malubhang banta sa kalusugan o kaligtasan mo at ng iba pa.

3. PAGGAMIT AT PAGHAHAYAG NG IYONG PHI NA KAILANGAN NG IYONG PAHINTULOT

Naninindigan ang Color para sa privacy at seguridad ng datos ng pasyente, at hindi ibabahagi ang iyong PHI nang wala ng iyong awtorisasyon para sa mga layunin at audience na hindi nakalista sa itaas sa Paunawang ito. Ibig sabihin, naninindigan ang Color para sa sumusunod:

  • Hindi ibabahagi ng Color ang iyong PHI sa mga partido o audience bukod sa mga inilalarawan sa itaas, maliban kung magbibigay ka ng awtorisasyon para sa nasabing paghahayag.
  • Hindi ibebenta ng Color ang iyong PHI para sa mga layunin ng third-party na advertising, maliban kung nakaayon sa inilalarawan sa itaas, maaari kaming makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa sarili naming mga serbisyo, event, at upang pagandahin ang aming mga iniaalok.
  • Hindi gagamitin ng Color ang iyong PHI para magsagawa ng pananaliksik nang walang pahintulot mo.

Sa ilang sitwasyon, halimbawa, sa karamihan ng pagbabahagi ng mga tala sa psychotherapy, nagbibigay ng espesyal na proteksiyon ang mga batas na pederal at pang-estado para sa mga partikular na uri ng PHI at iniaatas sa mga ito ang iyong pahintulot bago namin maihayag ang espesyal na protektadong PHI na iyon. Sa ganitong mga sitwasyon, susundin namin ang mas mahihigpit na batas ng estado patungkol sa nasabing paggamit o paghahayag. Kung may tanong ka tungkol sa mga batas na ito, makipag-ugnayan sa Color ayon sa nakasaad sa ibaba.

4. ANG IYONG MGA KARAPATAN

Sa ilalim ng HIPAA, may karapatan kang:

  • Kumuha ng electronic o papel na kopya ng iyong medikal na rekord
    • Puwede mong hilinging makakita o makakuha ng electronic o papel na kopya ng iyong medikal na rekord at iba pang PHI na mayroon kami tungkol sa iyo. Magtanong sa amin kung paano ito gagawin.
    • Magbibigay kami ng kopya o buod ng PHI, na karaniwang sa loob ng 30 araw pagkatapos mo itong hilingin. Maaari kaming maningil ng bayaring makatwiran at batay sa gastos.
  • Hilingin sa amin na itama ang iyong medikal na rekord
    • Puwede mong hilingin sa amin na itama ang PHI tungkol sa iyo na sa tingin mo ay mali o hindi kumpleto. Magtanong sa amin kung paano ito gagawin.
    • Maaari naming tanggihan ang iyong hiling, pero sasabihin namin ang dahilan sa isang sulat sa loob ng 60 araw pagkatapos mo itong hilingin.
  • Humiling ng mga kumpidensiyal na komunikasyon
    • Puwede mong hilinging makipag-ugnayan kami sa iyo sa isang partikular na paraan (halimbawa, sa telepono sa bahay o opisina) o magpadala ng sulat sa ibang address.
  • Hilingin sa amin na limitahan kung ano ang gagamitin o ibabahagi namin
    • Puwede mong hilingin sa amin na huwag gamitin o ibahagi ang ilang partikular na PHI para sa pagpapagamot, pagbabayad, o sa mga operasyon namin. Hindi namin kailangang sumang-ayon sa hiling mo, at maaari kaming tumanggi kung makakaapekto ito sa pangangalaga sa iyo.
    • Kung magbabayad ka nang buo para sa isang serbisyo o item sa health care mula sa iyong sariling bulsa, puwede mong hilingin sa amin na huwag ibahagi sa iyong health insurer ang PHI para sa layunin ng pagbabayad o ng aming mga operasyon. Sasang-ayon kami maliban kung aatasan kami ng batas na ibahagi ang impormasyong iyon.
  • Kumuha ng listahan ng kung kani-kanino namin ibinihagi ang PHI
    • Puwede kang humingi ng listahan (accounting) ng kung ilang beses naming ibinahagi ang iyong PHI sa loob ng anim na taon bago ang petsa ng paghiling mo, kung kanino namin ibinahagi ito, at kung bakit.
    • Isasama namin ang lahat ng paghahayag maliban sa mga pagpapagamot, pagbabayad, at mga operasyon sa health care, at iba pang partikular na paghahayag (gaya ng anumang hiniling mong gawin namin). Magbibigay kami ng isang libreng accounting bawat taon pero maniningil kami ng bayaring makatwiran at batay sa gastos kung hihingi ka ng isa pa sa loob ng 12 buwan.
  • Kumuha ng kopya ng Paunawang ito
    • Puwede kang humingi ng papel na kopya ng Paunawang ito anumang oras, kahit pa sumang-ayon kang tumanggap ng electronic na Paunawa.
  • Pumili ng taong kikilos para sa iyo
    • Kung binigyan mo ng medikal na power of attorney ang isang tao o kung legal na tagapangalaga mo ang isang tao, magagamit ng taong iyon ang mga karapatan mo at makakapagpasya siya tungkol sa iyong PHI.
    • Sisiguruhin naming awtorisado ang taong ito at makakakilos siya para sa iyo bago kami gagawa ng anumang aksiyon.
  • Maghain ng reklamo kung sa palagay mo ay nalabag ang iyong mga karapatan

5. ANG IYONG MGA DESISYON

Para sa mga partikular na PHI, puwede mong sabihin sa amin ang iyong mga desisyon tungkol sa kung ano ang ibabahagi namin. Kung may malinaw kang gustong paraan kung paano namin ibabahagi ang iyong PHI, sabihin sa amin kung ano ang gusto mong gawin namin, at sisikapin naming sundin ang iyong tagubilin.

Sa ganitong mga sitwasyon, may karapatan ka at puwede kang magdesisyon na sabihin sa amin na:

  • Ibahagi ang impormasyon sa iyong pamilya, malalapit na kaibigan, o iba pang may kinalaman sa pangangalaga sa iyo;
  • Magbahagi ng impormasyon kaugnay ng pagtulong sa panahon ng sakuna; at/o
  • Isama ang iyong impormasyon sa isang direktoryo.

Kung hindi mo masabi sa amin ang gusto mo, halimbawa kung nawalan ka ng malay, maaari kaming magpatuloy at ibahagi ang iyong PHI kung naniniwala kaming pinakamabuti iyon para sa iyo. Maaari din naming ibahagi ang iyong PHI kapag kailangan upang mabawasan ang malubha at nagbabadyang banta sa kalusugan o kaligtasan.

6. ANG AMING MGA RESPONSIBILIDAD

  • Inaatasan kami ng batas na panatilihin ang privacy at seguridad ng iyong PHI.
  • Inaatasan kami ng batas na abisuhan ka sakaling magkaroon ng paglabag sa hindi secure na PHI.
  • Dapat naming sundin ang mga tungkulin at kasanayan sa privacy na inilalarawan sa Paunawang ito at bigyan ka ng kopya nito.
  • Hindi namin gagamitin o ibabahagi ang iyong PHI bukod sa inilalarawan dito maliban kung sabihin mo sa amin sa isang sulat na puwede namin iyong gawin. Kung sasabihin mo sa amin na puwede namin iyong gawin, maaari kang magbago ng isip anumang oras. Ipaalam sa amin sa isang sulat kung magbabago ang iyong isip.

Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang: www.hhs.gov/ocr/privacy/hipaa/understanding/consumers/noticepp.html.

7. MAKIPAG-UGNAYAN SA AMIN

Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa aming mga kasanayan sa privacy o sa Paunawang ito, o para gamitin ang iyong mga karapatan tulad ng nakadetalye sa Paunawang ito, makipag-ugnayan sa amin sa:

Color Health, Inc.
Attention:Legal Department
831 Mitten Rd.
Burlingame, CA U.S.A., 94010
Email:support@color.com